Summary: Mark Angeles, moderated by Virgilio s. Almario

Rio Alma: Ang unang dapat pansinin ay kaagad inilalantad sa atin ng Angeles ang kanyang layunin; mayroon siyang malinaw na political program — gusto niyang makipag-usap sa kanyang minamahal na mga inaapi. Mula doon sa kanyang programang iyon, tingnan natin ngayon ang kanyang anim na tula kaung sa palagay nga natin ay dapat itong basahin ng mga inaapi.

Sicat-Cleto: Kanina, noong pinapaliwanag mo ang disenyo ng iyong koleksyon, tumutok ako sa hindi luksang-parangal na konsepto; sa tula na ito (‘Aniya’), ang basa ko sa kanya ay deklarasyon ng kung ano ang tula; nakita ko iyon dahil sa salitang balaraw. Ang ars poetica na ito, inaalingawngaw ang mga pakiusap ni Jess Santiago sa “Kung ang tula ay isa lamang pumpon ng salita.”

Sa ‘Dose,’ buo ang tula kasi tungkol din siya sa maskulinidad at kung paanong ang uri ng pagkalalaking iyon ay binabaog, o ang mismong bayag ay pinipitpit dahil sa kaapihan.

Evasco: Bilang isang guro at manunulat na pinalaki ng mga guro din na umusbong noong first quarter storm, binusog ako ng mga tula ng protesta. Ang aking hamon kay Angeles, pwede ba tayong sumulat ng mga protesta ngayon na higit na sariwa ang pagkakasulat? Sa tulang ‘Fortuna,’ narito ang mga imahen ng masong bumayo, umaasong bakal, piring, uhay ng katarungan — kumbaga, kung gumawa tayo ng katalogo ng mga tula ng protesta noong 70s, gamit na gamit ito. Ang teorya ko, ang mga problema noon, problema parin ngayon — pero hindi naman kailangang pareho parin ang mga imahen.

Nabanggit mo sa iyong poetics na ang iyong impluwensya sina Ruth Mabanglo, Pablo Neruda: ito ay mga tula ng protesta na may musika; inaasahan ko ring makita sa iyong mga tula ang ganitong musika. Tradisyon noong 70s ang mga statement o slogan bilang tula.

JCR: Sa mga una niyang koleksyon, noon lang ako nakakita ng makata na gumagamit ng heteroglossia sa kanyang tula; kaya niyang gumamit ng isandaang tao na may isandaang conflict na may isandaang emosyon. Hindi ko nakita ang ganoong heteroglossia sa koleksyong ito. Palagay ko, iyon ang dahilan kung bakit hindi ko makita ang magic na nakita ko sa mga una niyang tula.

Napakalaki ng hamon ng committed poetry sa panahon ng Fliptop: may mga bagong metapora. Ang daming nangyayari, at sa dami ng pangyayaring iyon, hinahanap ko kung nasaan ang iyong panulaan. Ang anghang ng patikim ay di ako maanghangan gaano.

Rio Alma: Hindi kaya ang problema ay naroon rin sa kanyang ipinaksa? Kasi ang intensyon niya dito ay magbigay talaga ng papuri; ng tribute.

Sicat-Cleto: Kadalasang nakakabit ang terminong heteroglossia sa nobela. Valid ang paghahanap noon para mas maging matagumpay ang koleksyon.

JCR: Kaya ko hinahanap yun, kasi kaya niya; he’s a very competent writer. Parati kang ikukumpara sa mga maganda mong akda.

Rio Alma: Ang isang kagyat kong isasagot sa paghahanap ng heteroglossia ay ang pangyayaring iisa ang tinig nito; personal ang tinig nito kaya hindi makakagawa ng ibang tinig. Pero problema iyon; kung gusto niyang maglagay ng iba pang mga tinig, nasa kanya ang pagplano para doon.

Hidalgo: My understanding of heteroglossia is that it’s not just a variety of voices but a variety of language registers; is it possibility in poetry at all?

Rio Alma: Pwede naman; in fact ginawa niya ito sa ‘Fortuna.’

Abad: What is meant by language register?

Hidalgo: The work that comes to my mind is a novel; ‘Dogeaters’ by Jessica Hagedorn. Nag-iiba ng style; ng mga lenggwahe.

Jarin: Ang dami paring ganitong klaseng tula sa campus writers; isa ka yata sa mga tinitignan nila bilang padron. Ang lagi kong tanong sa ganito, bakit walang nagbago? Bagamat hindi parin nagbabago ang lipunan, sa ganitong tula, are we still writing for our fellow activists? Paano ang masa na hindi organized? Paano ka makaka-reach out sa ganun? Hindi nag-raise ng bar; hindi nag-reach out.

Angeles: ang sinasabing heteroglossia, nasa libro ko yun na ‘Emotero,’ iba-ibang tao kasi yun. Totoong inaamin kong problema ang sloganeering. Sa mga aktibista, content ang gusto nila, pero form and content naman dapat talaga.

Rio Alma: Form and content is not a native problem in literature; native writers never talked about it. Pumasok lang ang problema ng form and content sa Philippine literature dahil sa pag-aaway ni Jose Garcia Villa at Salvador Lopez.

Abad: It occurs to me that there’s really the substance of any ideology that will attract people: freedom and justice. What I want are the voice of the members of the poor who also oppress the poor; I don’t want anything romanticized. What I want is a gallery of villains: if you give them a voice, what is their situation? Bakit sila akyat-bahay? Bakit sila mandurukot? They themselves need to think progressively.

Eusebio-Abad: Sa tanong na bakit walang pagbabagong nangyari, ang isang interpretasyon ko doon ay in terms of how activists would speak; yung imagery and metaphors na ginagamit. I would suggest na gumamit ng imagery na hindi usually ginagamit ng activist poems / literature. Ang gusto kong isa pang i-target mo na reader ay ang middle class; ang hindi pinaka-naaapi pero nararanasan rin ang oppression.

Maraming aktibista na pagkagraduate, napupunta sa call centers o multinational corporations; bakit? Hindi ko sila jina-judge, pero may tanong doon na bakit sila napunta doon? Gusto kong makakita ng activist literature na makaka-relate ako; hindi na ang gasgas na images ng picket line, sakada, etc.

Rio Alma: Although at the same time, ang mga inaapi noong araw, hanggang ngayon ay inaapi parin.

Tolentino: Palaging may weight of the world na hinahanap sa ganitong writing, kasi may claim din sa poetics na we’re writing for a larger collective. Ang subject position ng writer represents that sector, and therefore has the moral ascendancy to speak in behalf of them.

Mahalaga ang project na ito kais it’s a kind of repolitization. Ang nakikita kong bago dito, ang staging of the poetic scene; hindi na lang siya tungkol sa rite of passage kundi ang violent rite of passage na tatatak sa persona.

Ang parangal is a kind of memorialization; it’s against forgetting.

Ang challenge ay i-level up na at maging mas responsive sa technology at sa divergent kind of audience na willing parin namang ma-politicize. Sa visual arts din, hindi na lang taas kamao; there are other ways of articulating social realism.

Braga: Paano ang pagle-level up? Paano mo tutubusin ang panitikan, ang bayan, ang sarili, sa diskusyon ng cliche?

Ang protest literature, gaano sila kalapit sa pinoprotesta nila? Mayroon rin bang complicity? Baka tayo pala ang nagpapasuso sa kanila kaya hindi sila nawawala.

Dalisay: I’m looking for protest literature that is somewhat more nuanced; walang easily identifiable villains. Halimbawa, hindi lahat ng multinational corporations ay masama; hindi lahat ng mining ay masama. Sa political writing natin, nadidiminish, in a sense, ang menace, kasi nagiging simple. Ang mas insiduous na kaaway ay ang mas complex; ang mas hindi mo nakikitang ito pala ang kaaway. There are other kinds of possibilities we can pursue.

Silverio: Naghahanap din ako ng paraang maiparating ang mensahe sa paraang hindi mae-alienate ang mambabasang hindi bahagi ng kilusan. Ang takot ko bilang manunulat ay ma-turn off ang audience. Ang layunin mo na magsulat para sa masa — ito ba ay babasahin ng masa? Baka ang iba ay hindi, dahil sa lalim ng talinghaga.

Bilang propagandista, ang layunin natin ay abutin ang pinakamaraming pwedeng abutin, hindi laging tayo-tayo lang.

Umuunlad rin naman ang sensibilidad ng masa; pamilyar naman na sila sa teknolohiya. Pwede mong i-discuss ang protesta nang hindi ka nasa picket line lagi.

Salud: I agree with Dalisay, minsan ay napaka-cliche ng nakikita namin about oppression, etc. Ang oppression ngayon, complicated na yan, parang relationship sa Facebook.

Ang nakakatakot dito, wala nang mukha ang oppression. Kasi kung itatali natin kay Marcos, GMA, etc, it has a numbing effect — parang nagiging entertainment in the long run. Ang mas nakakatakot, wala siyang form; wala siya shape. Kapag yun ang diniscuss mo, you will be walking on very sensitive ground, but your voice will be you.

Vibiesca: Kahit naman hindi ka aktibista, ang purpose mo, maihahayag mo parin. Simple lang: gusto mong tumulong sa mga naaapi; kayang-kaya mo yun without having to resort to cliches.

Hidalgo: (To Braga) Were you suggesting, because the situation has remained static, then the cliche is the most appropriate way of dealing with it? Because I don’t believe that that’s the case; I don’t see the relation between the two.

Kung magagawa mo ang lahat ng technique para hindi maging cliche ang writing mo, mas magiging effective sa readers.

JCR: Ang dami-dami nang tradisyon na makukuha; madami nang kontribusyon. Ang mga aktibistang nagjajakol, noong araw ay bawal isulat yun; ang panulatan ay parang teknolohiya na umuunlad nang umuunlad para hindi maging irrelevant. Kaya nga nagkakaroon ng mga cliche ay dahil nagkakaroon ng mga pagbabago. Kung talagang effective kang manunulat, pati ang militar ay babasahin ka. Pero kung safe ka, hahayaan ka lang. Kaya ka progressive na manunulat kasi taas ka nang taas ng antas at lagi mong kino-confront ang power.

Rio Alma: Nakikita kong kahit ang mga gasgas na imahen, kapag inihain niya sa inyo ay nagkakaroon ng complexion.

Ang mga tulang ito, para ito sa mga kasama mo; ang mga hindi bahagi ng kilusan, hindi maiintindihan ito. Pero kailangan ang ganito; kailangang may tumutula para sa kilusan.

Pero sa dulo ng lahat, maraming kailangang baguhin sa paraan ng pagsusulat. Nasa iyo ang huling pagkakataon.

Mark Angeles’ Poetics

Image_DSC0078 copy

Higit Sa Lahat

 

Nagkatahip ako sa pagbabasa ng mga tula nina Ruth Elynia Mabanglo, Andres Bonifacio, at Pablo Neruda kaya—at dahil sila lang ang natatandaan kong binasa ko noon—masasabi kong sinuhayan nila ang anyo at politika ng aking pagtula na kung tutuusin ay malalagom lang sa dalawa: (1) maging mapusok sa pag-ibig; (2) laging pumanig sa inaapi.

Ang koleksyong ito ang magsisilbing ebanghelyo ng kung ano ang pagtula para sa akin. Kung ang una kong koleksyon ng mga tula—ang Patikim—ay may temang pag-ibig, ang ikalawa—ang Emotero—ay nagbigay ng boses sa  humigit-kumulang isang daang kataong karaniwang hindi naisasatinig ang kanilang karanasan (kapwa nalimbag ang Patikim at Emotero bilang indie books), ang ikatlo—ang Engkantado—ay nagbigay naman ng buhay (malay/kasaysayan/pagpupunyagi) sa mga puno (available ang Engkantado bilang e-book), at ang ikaapat kong koleksyon—ang Threesome—ay ménage à trois ng mga tula ko sa wikang Filipino, Ingles, at mga salin sa Filipino ng mga tulang Ingles, ang ikalima kong koleksyon—na pinamagatan kong Higit sa Lahat—ang magtitipon sa lahat ng aking mga tulang lutang ang pagkiling sa pinili kong linyang pampolitika.

Balak kong hatiin sa tatlong bahagi ang Higit sa Lahat: “Mga Tao”, “Talinghaga”, at “Hindi Luksang Parangal”. Ang mga tulang hawak ninyo ngayon ay kasama sa bahaging “Hindi Luksang Parangal”. Lahat sa mga tulang ito ay may (mga) taong pinag-aalayan. Halimbawa, ang mga tulang para kina Crispin Beltran, Jonas Burgos, at Diosdado Fortuna. May mga tula ring alay sa mga grupo; halimbawa, ang mga tulang para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita, sa Morong 43, at sa mga biktima ng masaker sa Maguindanao.

Ang koleksyong ito ang sasagot kung para kanino ang pagtula higit sa lahat. Dahil sa ganitong intensyon, gusto kong makaabot ito sa mga inaapi at lumalaban para sa kanila—silang laman ng isip ko bago at habang isinusulat ang mga piyesa sa koleksyon. Kung gayon, problematiko sa akin kung ipapasa ko ito sa palimbagang mainstream para maibenta ito sa mga kilalang bookstore. Nahirapan ako sa pagpapalimbag at pagbebenta ng Patikim, Emotero, at Threesome. Galing sa kaunti kong naipon ang ginastos ko sa pagpapalimbag at ni katiting ay wala akong kinita sa pagbebenta ng tatlong aklat.

Gusto kong makarating ang koleksyong ito sa mga palengke at pagawaan, sa mga sakahan at palaisdaan. Gusto kong mapasakamay ito ng mga taong binigyan ko ng tinig ang pagpupunyagi. Higit sa lahat, para sa kanila ang aking pagsusulat ng tula. Sana maging abot-kaya, o kung hindi man at kung kakayanin, maibigay sa kanila ito nang libre.

Pero magagawa ko kaya? Isang araw, nakabasa ako ng isang anekdota tungkol kay Andrew Carroll. Si Andrew Carroll ay isang Amerikanong manunulat, editor, aktibista,  at istoryador.

Noong 1992, napagkasunduan nina Carroll at Joseph Brodsky (Poet Laureate ng Estados Unidos at nagwagi ng Nobel Prize in Literature) na itatag ang American Poetry and Literacy Project (APLP). Layunin ng APLP na magpamudmod ng mga libreng aklat ng tula sa publiko. Sa tulong ng Book-of-the-Month Club at Academy of American Poets, nilibot ni Carroll ang buong Estados Unidos at nagpamigay ng mga libreng aklat ng tula sa mga waiting shed, ospital, estasyon ng tren, homeless shelter, otel, at airport.

Nabuhayan ako ng loob dahil sa tagumpay ni Carroll. Tulad ni Carroll, hindi ko ito kayang mag-isa. Maraming tutulong sa akin—lalo na iyong mga masasabi kong kapanalig sa kilusan; iyong mga tulad kong mapusok sa pag-ibig at pumapanig sa mga inaapi.

Sa pamamagitan din ng mga tula sa koleksyon gusto kong ipakita kung paano maiigpawan ang sloganeering at sentimentalismo na laging ipinupukol sa mga tumutula tungkol sa politika at/o rebolusyon. Magagawa ito sa panitikang makabayan ng mga “bagong dugo” ng kasalukuyan.

Gusto  ko ring mabigyang-linaw, sa proseso ng pagbubuo ng koleksyon, ang isang suliraning dala ko sa aking isipan: kung ano ang maitutulong ng pagtula para maibsan ang paghihirap ng mga pinagsasamantalahan. Isang malaking ambisyon marahil ang tumingala sa mga tagumpay nina Pablo Neruda, Bertolt Brecht, Harold Bloom o maging ni Federico Garcia Lorca pero maaaring gawing inspirasyon ang kanilang mga karanasan.

May maitutulong nga ba ang pagsusulat para sa mga inaapi? Nang bumisita sa Nicaragua, napagtanto ni Salman Rushdie na may mas maraming bilang ng mga makata sa mga bayang hitik sa rebolusyon. Marahil isinisilang ng rebolusyon ang mga makata. Ang simbuyo ng damdamin ay tulad ng apoy na naghahanap ng matutupok at naghahangad na makawala sa pagkakakulong.

Paano mahihikayat ang mga mahihirap na magbasa? Lahat ng mga akdang nakalimbag,  sa pagkakaalam ko, ay kailangan pang bilhin. Iilan lang sa atin ang mayroong “extra budget” para sa mga aklat. Kung inaalay ko sa mga mahihirap ang aking mga tula, lalong hangad kong mabasa nila ang aklat. Pero paano ito mapupunta sa kanilang mga kamay? Hindi ko maatim na presyuhan ang mga tulang iaalok ko sa kanila para basahin; ako itong nanghihimasok. Katumbas ba ito ng ilang piraso ng itlog, o isda, o  gulay na kanilang ani? Kailangan kong makahanap ng paraan para maihatid ito sa kanila ng libre. Ito ang paninindigan ng koleksyon. Harinawa mapanindigan ko naman.

Summary: Rogelio Braga, moderated by Jun Cruz Reyes

JCR: Ang katangian raw ng Philippine literature, ayon sa mga obserbasyon, ay kadalasang Christian, male, at middle class; dito, kinukwestyon ni Braga ang ganito.

Rio Alma: Sino ang nagsabi; saan nanggaling yan?

JCR: Siguro ay galing ito sa obserbasyon na ang panulat ng mga lumad at mga Muslim ay hindi masyadong nabibigyang-pansin sa Metro Manila.

Angeles: Ang Moroismo, literary theory ba siya, o genre na gusto mong iangat sa Philippine literature?

Braga: I’m trying to build a theoretical framework. It’s like a third space: it’s neither one nor the other; there’s a hybridity of the two.

Rio Alma: May isa namang novel na Subanon si Enriquez na iba naman ang atake. Baka mami-misinterpret; mamimisread si Antonio Enriquez kung ang nobela lang niya ang tatalakayin.

Braga: We have to differentiate what is Moro and what is Islamic. Ang konsepto ng nation ay Western; we have to create an imagined community as a nation — yun ang konsepto ng nationalism.

Tolentino: Masyadong loaded kaagad ang poetics; it gets in the way of reading the novel. Your project is a counter-hegemony; a counter-canon of Philippine Literature; pero may gaps rin sa articulation. It’s such an abstract concept — nationalism is imposed by what institutions?

In some instances, marginalized rin naman ang Philippine nationalism. and it doesn’t take into account the issue of colonialism. I find it at this time problematic.

Evasco: Hindi ako kumbinsido pa sa Moroismo bilang alternatibo sa Nasyonalismong Pilipino. May tunggalian sa akin bilang mambabasa na makakabasa ako ng ambisyosong nobela na alternatibo, pero kumokontra.

JCR: Kung mababasa ang buong nobela, lumalabas rin ang conflict na iyan.

Sicat-Cleto: Inaacknowledge ko na ako bilang mambabasa, nanggagaling ako sa posisyong Katoliko ang relihiyon ko, pero hindi ako practicing, at babae ako; hindi ko maiwasang umalingawngaw rin sa naging stance ni Chris Martinez sa ‘Our Lady of Arlegui’ kung saan may unforgettable line: “Alam ko, hindi kayo kumakain ng baboy, marami kayong asawa…” Isang maliit lamang na anchorage sa napakalawak na konsepto at identidad.

Nadudulas ang awtor sa pagpapalit ng kanyang kasarian kasi palagi siyang naghuhubad; siguro palagi niyang chinachallenge ang pagiging conservative — hindi lamang sa pag-apuhap ng kanyang identidad, kundi pati sa kanyang katawan.

Nais ni Braga na bumuo ng isang persona na believable; ng isang babaeng Moro na nahanap ang kanyang sarili, pero parang kinakapa rin niya; kailangan pa ng refinement sa ganoong paghubog ng kamalayan.

Cruz-Lucero: Dahil maraming nakahabi dito na mga pag-aaral tungkol sa Muslim culture, history — ang kanilang literary tradition na Parang Sabil ay naihabi mo rin ba sa nobelang ito?

Noong Lumad tradition, mayroong tradisyon ng Binukot; ano ang nangyari sa tradisyong ito noong na-Islamize ang mga Lumad, at noong pumasok ang mga Kastila? Ang dinidiin at hinahanap ko ay ang literary history at literary tradition ng paglalarawan ng babae; kung paano sila kumikilos at kung paano sila naghihiganti.

Jarin: Ano ang Moro dito? Bagamat nagkakaroon ako ng mga bagong terminolohiya sa utak, para sa akin, wala namang bago sa naratibo na ginamit. Ano ang tinatawag na alternatibong naratibo dito?

JCR: Ang hinahanap mo ba ay bagong porma, o bagong nilalaman; ano ang ibig sabihin mo sa bago? Hindi ba bago yung ano yung mga Muslim bilang nagtitinda ng DVD; kung paano nagsusurvive ang mga Muslim?

Abad: You have a theoretical framework; since it has to do with nation-building, maybe the novel as fiction might also answer the one question that I really want the novel to deal with: What is the Moro concept of nation? The novel, to begin with, is Western, and the concept of nation, to begin with, is also perhaps Western. So you have a very difficult problem for the novel itself to make that clear.

Braga: It’s challenging, but I like it; it’s the only way I can discover possibilities as to how we can evaluate the concept of a nation. The concept of a Moro started with the liberation movement. They considered themselves a nation; a Bangsa. However, in the 70s, it was questioned by some of the members of MNLF as becoming too nationalistic, and so they broke away and formed the MILF.

Here, this is not Moro: This is a Filipino narrative of the Moro.

Abad: What I probably would want to see is that the characters in the novel, whether they are whom we know as Christian, Moro, or whatever, are all human beings. What I want is the human being, and I think that’s the only way you will be able to clarify. Nation is fiction.

Hidalgo: Clearly, your agenda is transgressive. My interest is that I want to know whether the form is part of your agenda; to create a novel whose form would also reflect that transgressiveness? Because from what I sense, it’s following a very conventional type of narrative, and so you do not have that type of power that would support that political agenda.

Braga: The form itself; the novelistic form, is something that I’m still studying.

Hidalgo: So you don’t consider this a Moro novel, as you said.

Braga: This is a Filipino narrative of the Bangsamoro. I want to question myself as well as to how I represent the Moro in my narrative.

Salud: Since it’s your objective to put in the Bangsamoro and how it stands in all this; is it your intention therefore to explain what the Bangsamoro is?

One thing I learned in covering Mindanao is that you cannot come up with a final conclusion as to what the Bangsamoro is; there is no central or solid core except for the religion. For you to explain what the Bangsamoro is, it might get in the way of the simple telling of the story.

Braga: Sa novel ko, this is Maguindanaoan. The Tausugs do not call themselves Moro; they call themselves Tausug.

Salud: Siguro let’s just limit the discussion; dapat specific nalang. What makes you think this small group of people is the authority on what the Bangsamoro is?

Abad-Jugo: I wonder if it’s a question of audience? Maybe I’m your reader, because you start in a setting that I am familiar with; is it your goal to take me by the hand and pull me away from my comfort zone?

Braga: Yes, I wanted to start with a setting that a lot would be familiar with. That’s why you will never see a terrorist; ang nagbebenta ng DVD.

Dalisay: Para sa akin, magaan ang takbo ng kwento; ganyang pagsasalaysay ang gusto kong sundan, hindi minamadali kahit mabibigat na isyu ang nakaloob sa narrative. Kaya ayoko na munang isipin ang mga Moroismo at mga ganyang bagay; mangyayari nalang yan sa pagtapos ko ng nobela.

I think we know from experience that most often when you write, it’s helpful to turn off your critical side so you can focus on the story itself. Kapag nangingibabaw ang pagka-kritiko mo, that makes the work wooden and predictable.

Delos Reyes: Nagpaubaya ako sa daloy ng nobela, at naramdaman ko rin namang natatangay ako, maliban lamang sa ilang detalye.

Saka ko na iintindihin kung ano nga ba ang Moroismo; ang mahalaga, nakapasok na ako sa kwento.

Hidalgo: I really was engaged by the narrative. But I was put off by the constant distinction between Filipino and Moro.

I suggest that you can add a bit more description of the way the characters look so that I can visualize what is happening in the story more vividly. Mga capsule sketches lang, pero buhay sila. Use the techniques of realism to make it a more vivid narrative.

JCR: Paano nga ba makakagawa dito ng suspense?

Ong: Since mayroon kang political agenda, you have to watch out — baka hindi naman kailangan ang ilang detalye. You have to be conscious not to overload.

Angeles: Sabi kasi nila, ang transgressive ay macho fiction.

Dalisay: May at least dalawang paraan to create suspense: this is usually done by withholding information. But sometimes even more effective is the creation of suspense by creating superior knowledge; the reader knows what is going to happen, but the character does not.

Silverio: You can make it descriptive, artistic, emotional, pero may political agenda. Kung lalaliman ang pagbasa, you will see that it’s a commentary of the old by the young.

Tolentino: It was an engaging read; magaang basahin. I would have wished for there to be focus on the dramatization of some of the details. May inaasahan tayong yabang sa big project ng novel; but some of the chapters, they just move from one plot to the other, but I cannot yet see some grand design.

Live Updates from the staff of the 53rd UP National Writers Workshop